Bulacan pinaghahanda para sa MECQ sa August 16

Inanunsiyo kahapon ni Bulacan Governor Daniel Fernando na isasailalim na ang lalawigan ng Bulacan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with localized lockdown na magsisimula sa Agosto 16, 2021 kaya naman pinaghahanda na ang mga Bulakenyo sa mga tagubilin nakapaloob sa naturang quarantine category.

Ayon kay Fernando, nakatanggap na siya ng anunsiyo mula sa National ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na isasailalim sa MECQ with localized lockdown ang nasabing probinsiya simula sa darating na Lunes subalit hindi pa sigurado kung hanggang kailan ito tatagal kaya pinapaalalahanan nito ang mga Bulakenyo na maghanda sa panibagong paghihigpit na isasagawa, ito ay bunsod sa patuloy na pag-taas ng kaso ng Covid-19 cases sa Bulacan kabilang na ang 7 kaso ng Delta variant.

Dahil dito, inaasahan na mas maghihigpit ang mga tagubilin ng IATF kumpara sa kasalukuyang quarantine category ng Bulacan na nasa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions hanggang Agosto 15.

“A total of 15 quality control points in all entry and exit points of Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga and Bulacan, 13 Bulacan Shield, 2 dedicate control points and 12 NLEX quality control points have been established since the implementation of GCQ and will extend once the MECQ implements,” dagdag ni Gob Fernando.

Sabi ng gobernador, ang localized lockdown ay nasa kapangyarihan din ng mga local government unit at barangay unit para magpatupad ng lockdown sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.

Ayon kay Provincial Task Force Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis, 7 ang naitalang Covid-19 Delta variant sa Bulacan pero ang dalawa rito ay fully recovered na mula sa bayan ng Guiguinto at Plaridel habang isolated quarantine naman ang 5 kaso mula sa bayan ng San Ildefonso, Sta Maria, Pandi, City of Malolos at City of San Jose Del Monte.

Ayon kay Fernando, puno na ang Bulacan Medical Center (BMC) at Bulacan Infectious Control Center (BICC) ng Covid patients at marami pa ang nakapila gayundin ang mga private hospitals sa probinsiya at patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso araw-araw na siyang naging basehan ng IATF para isailalim sa MECQ ang lalawigan.

Kinokonsidera rin nina Fernando at Celis na Delta variant na ang mga bagong datos ng confirmed cases sa Bulacan para na rin mas mag-ingat ang mga Bulakenyo at juwag magpakampante.

“Sobrang dami na ng transmission puno na ang mga hospitals natin kaya doble ingat po tayo ngayon, mahalaga ang buhay, sumunod po tayo sa bagong tagubilin para sa ating kaligtasan,” ayon kay Fernando.

Sa update report as of August 11, 2021 ng Bulacan PT-IATF, nasa 2,751 pa ang active cases at nananatiling naka-isolate and monitoring sa mga hospital, temporary monitoring facilities kung saan 321 dito ang nadagdag na kaso habang 236 ang nadagdag naman sa nakarekober.

Ayon kay Celis, 4,941 ang binabantayan din o suspect cases habang umabot na sa kabuuang 48,543 o 86% ang confirmed cases at 44,782 na ang nakarekober o 93% habang umabot na sa 1,010 ang namatay sa nasabing dreaded infectious disease.

Nabatid na ang Lungsod ng Malolos at mga bayan ng Calumpit at Guiguinto ang mayroong pinakamataas na kaso ng Covid-19 sa buong Bulacan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews