Nitong nagdaang Sabado ay pormal na inilunsad sa bayan ng Abucay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Kinatawan ni Atty. Tony Roman III si Bataan 1st District Rep. Geraldine B. Roman, na kasalukuyang nasa bansang Spain para sa kanyang short vacation. Kasama ang DOLE personnel, hinati sa 5 batches ang mga TUPAD beneficiaries para sa isinagawang orientation.
Sa kabuuan ayon kay Atty. Roman, mayroon nang 300 tupad beneficiaries mula sa bayan ng Abucay para sa 2nd batch ng TUPAD sa Unang Distrito ng Bataan.
Ang TUPAD ay isang cash-for-work o emergency employment program ng DOLE para sa mga manggagawang nasa informal sectors kagaya ng underemployed o self-employed workers, na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa sakuna, kalamidad o dahil pagpapatupad ng gobyerno ng Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
“Makakaasa po kayo na patuloy ang pagbibigay at paghahatid natin ng mga programa at proyektong makakatulong sa ating mga kababayan,” pahayag ni Congresswoman Roman sa kanyang Facebook Page.