Sen. Villanueva namahagi ng ayuda sa Bulacan

Sa unang araw pa lamang ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lalawigan ng Bulacan ay agad na bumaba ang ayuda packs sa tatlong lungsod at limang bayan dito mula sa Bulakenyong si Senator Joel Villanueva para sa mga residenteng higit na nangangailangan nitong nakaraang Lunes.

Ang lalawigan ng Bulacan ay isinailalim sa MECQ simula Agosto 16 hanggang Agosto 31, 2021 bunsod na patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa Coronavirus disease o (Covid-19).

Nagkaloob si Senator Joel Villanueva ng 3,000 ayuda packs gaya ng milk at  choco drinks, 3-in-1 coffee sa Lungsod ng Malolos, Lungsod ng San Jose del Monte at Lungsod ng Meycauayan kabilang din ang mga bayan ng Baliwag, Pulilan, Guiguinto, Bocaue at Balagtas.

Ayon sa senador, ang mga nasabing ayuda pack ay mula sa inisyatibo nito na matulungan ang mga kababayang apektado ng umiiral na MECQ at ito aniya ay sa tulong at donasyon ng isang pribadong food company.

“Sa pamamagitan ng nasabing ayuda packs, ang mga kababayan nating apektado ng dalawang linggong MECQ at maaaring mawalan o mabawasan ng pagakakakitaan ay mayroon ng dagdag na pagkain para sa kanilang pamilya,” ani Villanueva.

Bukod sa pamamahagi ng tulong gaya nito ay unang nakilala ang senador bilang (Technical Education Skills Development Authority) o TESDA Man.

Bilang senador ay ilan sa naisabatas nito ay ang ‘Doctor Para sa Bayan” law at ang ngayon ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa maraming Pilipino ay ang kaniyang Tulong Panghanapbubay sa Ating Disadvantageous/Displaced (TUPAD) workers program na isang emergency employment ng gobyerno para sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19 pandemic. 

Katuwang ng TUPAD ang ilang mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng mga trabaho at pagkakakitaan para sa mga displaced workers na apektado ng pandemiya.

Mula P6-Bilyon TUPAD budget noong isang taon ay higit na marami na ang nakinabang sa nasabing programa ngayong 2021 dahil naitaas ng senador sa P19-Bilyon ang pondo para dito.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews