Office work sa Bulacan DPWH suspendido

Suspendido ang trabaho at iba pang transaksyon sa Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at isinailalim ang buong district office sa one-day lockdown nitong Huwebes makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga empleyado rito.

Sa phone interview kay District Engineer Henry Alcantara, iniutos nito ang  one-day lockdown o closure ng kanilang tanggapan upang bigyan daan ang isasagawang disinfection sa lahat ng opisina rito.

Nabatid na mayroong ilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 kung kayat pansamantala munang naka-lockdown ang nasabing tanggapan para na rin sa kaligtasan ng bawat empleyado.

Inamin din ni Alcantara na maging siya ay naka-quarantine dahil sa hinihinalang nagkaroon siya ng close contact sa isang nagpositibo sa nsabing dreaded disease.

Isinara ang nasabing opisina ng DPWH para sa full disinfection  at para hindi na kumalat ang virus na kung saan muli itong bubuksan kinabukasan subalit sa limitado muna o nasa 50% work capacity.

Mahigpit ding ipinag-utos ni Alcantara na sumunod sa tagubilin ng IATF sa pagpapatupad ng health standard protocols.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews