Tabang Bridge bubuksan sa August 31 sa publiko

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Bulacan First District Engineering Office na nakahanda nang buksan sa mga motorista sa Agosto 31 ang Tabang Bridge makaraang matapos na ang isinagawang total replacement and widening nito. 

Ayon kay Engr. Henry Alcantara, district engineer ng DPWH-Bulacan First District Engineering Office, pormal itong bubuksan sa publiko sa darating na Martes (Agosto 31, 2021) matapos ang mahigit pitong buwang konstruksyon.

Paliwanag ni Alcantara, ang pagka-balam ng pagbukas ng nasabing tulay ay sanhi ng nakaraang malakas na pag-uulan dulot ng bagyong “Fabian”,

“Ang initial scheduled ng completion dapat Agosto 15, but due to the continuous heavy rains, the activities were suspended and forces us to halt the operation, isa pang nakaapekto sa proyekto ay ang suspension ng trabaho dahil sa global pandemic particularly during the height of the Enhanced Community Quarantine (ECQ),” Alcantara said.

Isa rin sa naging dahilan ng pagka-balam ay ang ongoing  project ng North-South Railway na nasa ilalim ng Tabang Bridge gayundin sa ilang mga change in design dahil sa footing obstruction at sa waterline utilities.

Nabatid na nasa P31-milyon ang ginugol sa nasabing bridge replacement na tumagal ng mahigit pitong buwan kung saan sinimulan ito noong Enero 2021.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews