Binawian ng buhay ang isang 42 anyos na lalaki makaraang sumabog ang ginagamit nitong kalan habang nasa laot sakop ng municipal waters ng Limay, Bataan nitong Biernes.
Ayon sa ulat mula kay Police Major Gerald Bautista, OIC chief of police ng Limay PNP, kinilala ang biktimang si Jionito Papiona. taga Riverside, Lamao, Limay, Bataan.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na pumalaot para mangisda lulan ng kanyang bangka ang biktima nitong Biernes at habang naghahanda umano ng kanyang lulutuin sinindihan umano nito ang kanyang “super kalan” na katabi diumano ng kanyang reserved gasoline.
Kasama ng biktima ang kapwa mangingisda na si Marvin Rodrigo at ilang minuto ang lumipas ay sumabog umano ang kalan pati na ang gasolina sa tabi nito at nasabugan ang biktima at tumilapon sa dagat ang katawan nito habang sugatan naman si Rodrigo.
Ganap na ala una ng tanghali nitong Sabado nang matagpuan ng mga otoridad ang wala nang buhay na katawan ng biktima.