Bulacan officials ginunita ang 171st “Marcelo Day”

BULAKAN, BULACAN– Ginunita ng ilang mga local officials dito at mga Bulacan-base journalists ang Ika-171 birth anniversary ng kanilang “greatest son,” propagandista at manunulat na Marcelo H. Del Pilar, na kilala rin bilang father of Philippine journalism sa isang simple at payak na selebasyon sa kabila ng umiiral na Covid-19 pandemic.

Ito na ang ikalawang taon ipinagdiwang ang nasabing okasyon na kakaiba kumpara sa mga nakalipas na taon ng selebrasyon mula nang magpandemiya nitong 2020.

Ang payak na pagdiriwang ay isinagawa sa harap ng Dambana ni Marcelo H. Del Pilar sa Sitio Cupang, Brgy. San Nicolas kasabay ng pagpapatupad ng standard health protocol.

Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando ang wreath laying activity kasama si Mayor Vergel Meneses, Vice Govert Willy Alvarado, Dr. Ely Dela Cruz head of the Provincial Historical Arts Culture and Tourism Office at Alex Aguinaldo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ayon kay Fernando ang bawat Filipino ay kailangan huwag kalimutan ang mga naiambag ni Del Pilar lalo na ang mga kabataan ng susunod na henerasyon.

“Ating isapuso at isaisip na ang Agosto 30 ng bawat taon ay makasaysayang araw para sa ating lahi. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang mga aral na kanyang iniwan,” ayon sa gobernador.

Si Carmela Reyes-Estrope correspondent of Philippine Daily Inquirer at President of Central Luzon Media Association (CLMA) ay kumatawan naman sa National Press Club of the Philippines (NPC) kasama ang mga miyembro ng Bulacan Press Club Inc. (BPCI) sa pangunguna naman ni Omar Padilla ng Pilipino Star.

“Bulacan State University (BulSU) will be offering Marcelo Del Pilar’s Life and Writings to its journalism students for the third time in honor and tribute to the Del Pilar, the considered Father of Philippine Journalism, Estrope said.

“Bahagi ng tradisyunal na pag-alaala at aktibong pakikilahok sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. Del Pilar, Ama ng Panulat sa bansa, peryodista, propagandista, abogado, mason ay ang pagkilala sa malayang pamamahayag at paghahandog ng bulaklak bilang isang peryodista,” ayon kay BPCI president.

Si Del Pilar ang susi nang pag-aaklas laban sa mapanakop na mga kastila at isa sa naging lider ng Philippine Propaganda Movement.

Si Del Pilar ay isinilang August 30, 1850 sa Cupang, San Nicolas, Bulakan, Bulacan at namatay July 4, 1896 sa Barcelona, Spain.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews