7 pang bayan sa Bulacan makikinabang ng murang supply ng tubig, ayon sa SMC

Inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na libu-libong mga Bulakenyo ang nakatakda nang makikinabang ng abot-kayang supply ng tubig mula sa operasyon ng Stage 3 ng Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP).

Ito ay makaraang pormal na lagdaan ang kasunduan sa mga water district sa nasabing lalawigan kabilang na ang mga bayan ng Norzagaray, Hagonoy, Pandi, Baliwag, San Rafael, San Miguel at San Ildefonso. 

Ang operasyon ay target maumpisahan sa unang buwan ng 2023 kung saan ang nasabing kasunduan na aprubado ng Manila Water Severage System (MWSS) ang updated business plan ay maaari nang simulan ang preliminary engineering design at konstruksyon nito.

“We anticipate that in just a year-and-a-half, we can start operating these new water facilities, and all our countrymen in these areas in Bulacan will finally have reliable access to safe, affordable potable water,”  ayon kay SMC president Ramon S. Ang.  

Sa loob ng deka-dekadang mga taon ay umaasa lamang ang mga Bulakenyo sa mga deep well mula sa  groundwater sa kabila na ang Angat Dam na siyang pangunahing supplier ng tubig sa kalakhang Maynila ay mismong nasa lalawigan ng Bulacan.

“With more residents able to immediately access water through our facilities, the need to rely on dwindling groundwater supply is eliminated. Experts have said groundwater extraction is one of the causes of land subsidence, or the gradual sinking of the ground, and this worsens flooding in the province. Like our upcoming major clean up Bulacan’s rivers, the BBWSP forms part of our larger strategy to help mitigate and solve flooding here,” dagdag ni Ang. 

Sa kasalukuyan ang BBWSP ay naghahatid ng supply ng tubig sa  13 lugar sa Bulacan na nakapaloob sa Stage 1 and 2 na nagsimula ang commercial operations mula pa noong January 2019.

Kabilang dito ang Lungsod ng San Jose del Monte, Meycauayan City, Malolos City, Marilao,  Bocaue, Obando, Balagtas, Guiguinto, Calumpit, Bulakan, Plaridel, Sta. Maria at Paombong. 

Nabatid na 4 pang bayan sa Bulacan gaya ng Pulilan, Angat, Dona Remedios Trinidad, at Bustos ang susunod na naka-plano na mabigyan ng pagkakataon na makinabang sa nasabing suplay ng tubig, ayon sa SMC. 

Ang BBWSP ay isang public-private partnership (PPP) project ng Luzon Clean Water Development Corporation (LCWDC) at K-Water Resources Corporation consortium kasama ng MWSS. 

Ang LCWDC ang siyang responsable sa financing, construction, operations, at maintenance ng nabanggit na tatlong project stages. 

Nabatid na ang Bulacan Bulk Water Supply Project ay naghahatid ng average volume na 160 million liters kada araw para sa 165,000 households, at may maximum capacity na 388 million liters per day. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews