Target ng lokal na pamahalaan ng Pandi, Bulacan na pabakunahan ang halos 10,000 residente rito sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) upang makatulong at maabot ang 70% population protection o herd immunity sa nasabing bayan.
Ito ang ipinahayag ni Mayor Enrico Roque kasabay ng pamamahagi ng 22 na emergency response patrol vehicles sa lahat ng barangay captain sa ginanap na ceremonial turn-over sa Barangay Bunsuran 1st nitong Huwebes.
Ayon kay Roque, ang mga nasabing barangay rescue patrolĀ ang siyang gagamiting panghakot o service ng 10,000 Pandi residents na nakatakdang bakunahan sa mga lungsod sa NCR.
Sabi ng alkalde, ang pamahalaang lokal ng Pandi ay nakikipag-ugnayan na sa mga punong lungsod sa Kamaynilaan para ma-accommodate o mapabilang ang mga Pandienyo sa mga binabakunahan sa kanilang mga lungsodĀ para maabot ang 70% target population protection mula sa 155,000 populsayon.
Ang mga nasabing emergency response patrol ay inilaan din upang mas maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo at tulong sa mga mamamayan ng mga kapitan sa kanilang nasasakupan.
Ayon pa sa alkalde, isasama sa re-alignment at supplemental budget ang maintenance at fuel supply ng mga naturang rescue patrol sa loob ng 6 na buwan.