Balagtas’ ‘Liga ng Pagbabago’ team nag-file na ng COCs

BULACAN- Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (CoCs) ang “Liga ng Pagbabago” team ng bayan ng Balagtas sa pangunguna nina Lito Polintan na tatakbo bilang alkalde at Mel Ventura para naman bise-alkalde nitong Sabado.

Si Polintan na isang successful businessman ay tinaguriang Good Samaritan at pilantropo sa nasabing bayan dahil sa pagiging likas na matulungin sa kapwa noon pa kahit hindi isang public servant.

Tinanggap ni Polintan ang hamon ng libu-libong Balagtaseño na tumakbo bilang mayor sa bayan ng Balagtas dahil sa pagnanais na ipagkaloob sa taumbayan ang tunay na paglilingkod at pagbabago.

Nitong Sabado ay pormal na naghain ng kanilang kandidatura si Polintan sa ilalim ng National Unity Party (NUP) at ang buong team ng “Liga ng Pagbabago” na kinabibilangan nina  ABC Mel Ventura bilang vice-mayor at para mga konsehal na sina Monay Payuran, Tate Santiago, Ian De Guzman, Boogie Castro, Bobby Estrella, Annalyn Jose, Jepok Ventura at Gerald Vergara.

Limitado naman ang mga taga-suporta ng Liga ng Pagbabago nang tinungo ang Comelec Balagtas dahil na rin sa pagtugon sa tagubilin ng health standard protocol guidance.

Naniniwala ang maraming Balagtaseño na nasa katauhan ni Polintan ang hinahanap nilang liderato dahil sa katangiang taglay nito bilang isang tunay na lider na makatao, simple, mabait, matulungin, hardworking, at God-fearing public servant.

“Gusto namin ng tunay na pagbabago at kaunlaran sa bayan ng Balagtas, sawa na kami sa puro pangako na walang gawa,” ayon sa isang residente.

“Hindi pa siya pulitikong tao ay ugali na niya ang tumulong sa ibang tao” dagdag pa ng mga suporter.

Kabilang sa mga political agenda ng Liga ng Pagbabago ay ang magkaroon ng community hospital,  ambulansya para sa bawat barangay, local housing, scholarship and livelihood programs, clean and green projects na kung saan ay matagal nang hinahanap ng mamamayan ng Balagtas. 

Nais rin ni Polintan na maibalik ang sigla ng bawat sektor sa nasabing bayan gaya ng senior citizen, youth, solo parents, home owners, PWD, LGBT, farmers and fishermen, vendors and pedicab association, ‘samahan ng kababaihan’ at parents and teachers association. 

Nabatid na base sa mga political analysts sa Balagtas, matunog ang pangalan ni Polintan laban sa kaniyang makakatunggali na si re-electionist Mayor Eladio Gonzales kung saan ayon sa mga partial surveys na isinagawa nitong mga nakaraang buwan ng anonymous private groups ay lamang na lamang si Polintan..

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews