23rd Likha ng Central Luzon Trade Fair, pormal nang binuksan ng DTI

Pormal na binuksan Department of Trade and Industry o DTI nitong Mierkoles ang ika 23rd Likha ng Central Luzon Hybrid Trade Fair sa SM City Olongapo Central. 

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, bukas ito mula Oktubre 13 hanggang 17 kung saan sumali ang 24 micro, small at medium enterprises o MSMEs mula Bataan at Zambales -15 dito ay pawang food product producers at 9 naman ang non-food products.

Sabay sabay ang aktibidad na ito kung saan nakiisa ang 7 probinsya sa Region 3 o Central Luzon na naglalayong ipromote ang mga lokal na produkto ng Central Luzon para sa pagpapalago at pagpapaunlad ng mga MSMEs sa tulong ng mga institutional buyers at makapag-generate ng maraming benta o sales at makatulong sa employment and livelihood endeavors ng gobyerno. 

Ang Bataan ay kasama ng Zambales sa SM City Olongapo Central habang ang Aurora ay kasama naman ng Nueva Ecija sa SM Cabanatuan. Sa SM City Pampanga ginanap ang para sa Pampanga, SM City Tarlac para sa Tarlac, at Waltermart Malolos para naman sa Bulacan LCL TF. 

Noong bago ang Covid-19 pandemic ay ginaganap ito taun-taon sa SM Mega Trade Hall ng SM Mega Mall sa Mandaluyong City.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews