MSME mula Zambales, wagi sa 2021 National Productivity Olympics

Itinanghal bilang national winner sa sektor ng agribusiness ang GrainPro Philippines, Inc. na mula sa lalawigan ng Zambales sa katatapos na 2021 National Productivity Olympics. 

Ayon kay Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB Central Luzon Secretariat Head Jerome Yanson, nagkamit ito nang  150,000 piso na cash award at tropeyo.

Maituturing aniya na isang milestone ng RTWPB Central Luzon ang pagkapanalo nito sapagkat kahit nasa gitna ng pandemya ay naipakita pa rin ng mga micro, small and medium enterprises o MSMEs ng rehiyon ang kakayahan ng mga ito na muling makabangon at maging produktibo.

Nakabilang din sa finalist sa kategoryang sektor ng serbisyo ang Boba Time Food Corner na mula rin sa lalawigan ng Zambales. 

Ipinaabot naman ni RTWPB Chairperson at Department of Labor and Employment Regional Director Geraldine Panlilio ang kanyang pagbati sa pagkapanalo ng Gain Pro sa naturang kompetisyon matapos ang maraming taon na pagsusumikap na muling makasungkit ng panalo ang Gitnang Luzon.

Dagdag pa niya, patunay rin ito na ang mga negosyo sa rehiyon ay handa nang umangkop sa new normal.

Samantala, humigit kumulang 150 MSMEs sa buong bansa ang nakilahok sa pambansang kompetisyon na naghangad ng pagkilala at i-benchmark yung mga nagpakita ng katatagan, napanatili ang trabaho, at nagpatupad ng mahusay na mga programa sa pakikipag-ugnayan sa mga empleyado sa gitna ng pandemya.(CLJD/RGP-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews