Sinimulan na ng Provincial Government of Bulacan ang pagbakuna ng booster shot vaccines kontra COVID-19 para sa mga fully vaccinated sub priority group o mga nasa priority Eligible A1 na ginanap sa provincial vaccination center site sa Hiyas ng Bulakan Convention Center sa Lungsod ng Malolos nitong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021.
Sa panayam kay Provincial Task Force Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis, sinabi nito na nasa 2,006 individuals mula sa Category A1.1 to A1.7 ang nakatakdang mabakunahan ng booster shot hanggang sa Disyembre at Enero.
Aniya, ang mga tatanggap ng nasabing bakuna ay pawang mga fully vaccinated ng Sinovac at Astrazeneca.
Ang nasabing kategoriya ay kinabibilangan ng mga workers sa frontline health services, senior citizens, persons with comorbidities, frontline personnel sa mga essential sectors kasama ang mga uniformed personnel, indigent population, health workers sa mga stand-alone facilities, clinics at LGUs by province/ diagnostic centers at gayundin ang mga closed institutions, nursing homes, orphanages, province/HUC/ICC detention centers, correctional facilities, drug treatment, rehabilitation centers, at Bureau of Corrections.
Kasabay nito ay binisita nina Governor Daniel Fernando at Bokal Alex Castro ang nasabing vaccination center site sa Hiyas ng Bulacan Convention Center kung saan 247 katao mula sa A1 category ang binakunahan kasabay nito ang mga tumanggap naman ng 2nd dose vaccine kabilang ang 98-anyos na si Lola Felisisa Alejandria mula sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.
Ayon kay Fernando, nasa 43,199 mula sa A1 category ay mga fully vaccinated kaya naman patuloy itong nananawagan sa mga Bulakenyos na magpabakuna na.
Nabatid mula sa 21 bayan sa Bulacan na 56.7 percent ang mga nakatanggap na ng first dose at 36.1 percent ay fully vaccinated habang ang 3 cities naman ay mayroong 73.3 percent ng nabakunahang first dose at 59.1 percent na ang mga fully vaccinated.
Dagdag pa ng gobernador na nakapagtala ang lalawigan ng 97 percent ng recovery rate o 86,497 recovered patient buhat sa 88,639 confirmed cases as of November 17, 2021 with reported 698 Covid-19 active cases.