Mga klase sa Bulacan suspendido sa ilalim ng ‘academic health break’

Ipinatupad ngayon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang “academic health break” para sa mga guro at estudyante makaraang magpalabas temporary 14-day suspension of classes and academic activities sa Bulacan bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsiya.

Sa Division Memorandum No. 14s. 2022 na inilabas nitong Huwebes ng DepEd Region III-Central Luzon para sa mga School Division sa Bulacan kabilang ang Division Chief; Education Program Supervisors; Public Schools District Supervisors at Public and Private Kto12 School Heads, inaprubahan ng DepEd ang kahilingan ng mga elementary at secondary schools na pansamantalang suspendihin ang klase mula Enero 14 hanggang Enero 27, 2022.

Ang pagtugon ng  DepEd Regional Office 3 sa naturang academic health break request ng mga school divisions ay bunsod sa pagtaas ng Covid-19 cases na lubhang nakaka-apekto sa kanilang teaching and non-teaching personnel at para matiyak na ang health safety ng mga guro at mag-aaral ang No. 1 priority.

Mababatid na isa ang lalawigan ng Bulacan na kalapit-probinsiya ng  National Capital Region (NCR) na isinailalim sa Alert Level 3 mula January 3 to 15, 2022 ng IATF dahil sa malaking bilang ng Covid cases sa bansa.”Private schools may exercise their discretion relative to the suspension of classes in coordination and consultation with the parents,” ayon sa DepEd.

“Face-to-face classes in pilot schools in areas under Alert Levels 1 and 2 shall continue in the meantime that DepEd finalizes its report on the pilot [F2F] classes,” dagdag pa ng DepEd sa anunsiyo nito last week.

Nabatid na nagsimula ang  limited F2F classes for basic education noong  Nov. 15, 2021.Mababatid na ipinagbawal ang basic and higher education classes na nasa Alert Level 3, ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases memorandum. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews