Tinatayang nasa 300 sako ng lumulutang na basura ang nakolekta ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kaugnay ng isinasagawang waterway cleanup drive sa mga sapa o creek sa Purok 2, Barangay Ulingao, San Rafael, Bulacan nitong Miyerkules.
Ayon kay BENRO head Atty. Julius Victor Degala ang nasabing waterway cleaning activity ay tulong-tulong isinagawa ng mga kabalikat na ahensiya ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng munisipalidad ng San Rafael at Baliuag, National Irrigation Administration (NIA) officials at representante mula sa Water Control Coordination Unit.
Ang aktibidad ayon kay Degala ay bahagi ng “Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran” sa ilalim ng 10-Point Agenda ni Governor Daniel Fernando.
Dagdag pa nito, napagkasunduan ng mga proponents ng nasabing kampanya ang hindi lamang na pagsasagawa ng regular na waterway cleaning kundi karagdagan at agresibong Information and Education Campaign laban sa mga nagtatapon ng basura sa mga waterways.
“In this campaign, the help of the barangay officials and personnel will also be sought as well as the local government units in every towns and cities,” pahayag ni Degala.