Ipinahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang kanyang kagalakan at paghanga sa kasalukuyang estado ng pag-unlad ng ekonomiya at ng imprastraktura sa Freeport Area of Bataan (FAB) nang bisitahin niya ito noong 18 Abril 2022.
“The prosperity I witnessed in FAB once again proves the importance of industrialization. I hope to see more Chinese companies investing in the Philippines and [to] contribute to this great process,” (Ang kasaganahang nasaksihan ko sa FAB ay muling nagpapatunay sa kahalagahan ng industriyalisasyon. Inaasahan kong makakita ng mas maraming kumpanyang Tsino na namumuhunan sa Pilipinas at [upang] magkapag-ambag sa mainam na prosesong ito) ayon sa Facebook post ng Ambassador.
Personal na sinamahan ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Administrator Emmanuel D. Pineda at Board of Director Atty. Aurelio A. Angeles Jr. si Ambassador Huang at iba pang miyembro ng Chinese Embassy sa Pilipinas sa ilang Chinese-owned FAB Registered Enterprises (FRES).
Sinalubong ng GICC Technopark, FCF Manufacturing Corporation, Ellix Technology Inc., at Seasia Nectar Port Services Inc. si Ambassador Huang sa pamamagitan ng presentation meeting at pagpasyal sa mga pangunahing pasilidad at kasalukuyang proyekto ng bawat kumpanya. Kasunod nito, sumama rin ang AFAB kay Ambassador Huang sa GNPower Dinginin Ltd. Co. upang makipagpulong sa mga kinatawan ng pangunahing kontratista nito, ang Shanghai Electric Power Corp. na kasalukuyang nagtatayo ng 600MW Coal-Fired Power Plant ng GN Power.
Sa pagbisitang ito, nangangako ang AFAB na higit pang pagbutihin ang pinalakas na foreign relations at kooperasyon upang higit pang itulak ang inklusibong paglago at sustainable development sa FAB.
“Welcome to the Freeport Area of Bataan, Ambassador Xilian…you are now part of the FABulous Family,” (Welcome sa Freeport Area of Bataan, Ambassador Xilian…Kayo ay bahagi na ngayon ng FABulous Family.) ayon pa kay AFAB Administrator.