Nagdaos ng hands-on demonstration sa paggamit ng Vote Counting Machine o VCM ang Commission on Elections sa apat na mall sa Bulacan.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Rene Cruz Jr., bahagi ang inisyatibo ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng COMELEC at SM sa ilalim ng Let’s Vote Pinas campaign.
May 800 na mga mock ballots ang inilaan kada araw sa bawat sangay ng SM sa Marilao, Pulilan, Baliwag at San Jose Del Monte.
Hindi lamang mga rehistradong botante ang pinapayagan sa paglahok sa mock elections at pagsubok na magamit ang mga VCMs, bukas din ito sa lahat ng uri ng shoppers mas makahikayat na sila’y makapagparehistro sa susunod na pagpapatala bilang botante para naman sa halalan sa 2025.
Iba pa rito ang pagiging pamilyar sa pamamaraan at proseso ng pagbato at sa buong sistema ng halalan.
Naglalayon din ang inisyatibong ito upang maiwasan na magkaroon ng pagkakamali, partikular sa paglalagay ng shade sa oval na katabi ng numero ng napiling kandidato, tamang paghawak sa balota at kung paano ito papasok sa VCM.