Team Polintan-Ventura nagsagawa ng ‘Lakad Para Sa Pagbabago’

Dumagsa ang mahigit 14,000 supporters sa isinagawang “Lakad Para Sa Pagbabago” nitong Linggo ng Team LP-MV kung saan nagkulay kahel ang mahigit isang kilometrong kalsadahan ng Mac Arthur Highway sa bayan ng Balagtas dahil sa mga lumahok sa rally bilang pagpapakita ng suporta sa kandidatura nina mayoral candidate Lito Polintan at vice-mayoral candidate Mel Ventura.

Pagpapatunay rin ang pakakaisa ng mga Balagtaseño na magkaroon ng tunay na pagbabago ng pamumuno sa nasabing bayan..

Bandang alas-6:00 ng umaga nang magsimula nang mag-ipon-ipon ang mga supporters ng Team Liga ng Pagbabago sa pangunguna ng tinaguriang “The Good Samaritan” at mayoral candidate na si Lito Polintan at ang running-mate nito na si vice-mayoral candidate Mel Ventura sa Barangay San Juan kung saan dito ang starting point ng “Walk For A Change”.

Tinatayang hindi bababa sa 14,000 pawang mga Balagtaseño ang boluntaryong sumama sa nasabing aktibidad kasama ang kanilang mga kandidato para sa nalalapit na 2022 elections kung saan tiniis ng mga ito ang init at naglakad ng mahigit sa 3 kilometro para lamang ipakita sa buong bayan ng Balagtas ang kanilang pagtitiwala at pagsuporta sa tambalang Polintan-Ventura at sa bumubuo ng kanilang lapian..

Kasama rin ang mga bidang kandidato sa pagka-konsehal na sina Monay Payuran, Boogie Castro, Tate Santiago, Ian De Guzman, Jepok Ventura, Analyn Jose, Bobby Estrella at Gerald Vergara.

Nakilahok din ang mga pambatong Bokal na kakatawan sa Distrito Singko na sina Ricky Roque at Teta Santiago.

Ayon kay Polintan, hindi niya inaasahan na dadagsa ang ganun karaming mga supporters kaya naman labis ang pinaabot nitong pagpapasalamat sa mga ito.

“Salamat ng marami Balagtaseño, ito ay isang pagpapatunay na nais na ng bayan ng Balagtas ng bagong pamumuno, bagong Balagtas,” pahayag ni Polintan.

Marami rin mga nakasaksi sa nasabing “Lakad Para Sa Pagbabago” ang nagulat sa dami ng sumama sa naturang walk-rally ng Team LP-MV matapos umabot sa mahigit isang kilometro ang haba ng parada na bahagyang nagpasikip sa daloy ng trapiko.

Ang grupo ni Polintan ay humakot ng daang-libong suporta mula sa ibat-ibang sektor sa nasabing bayan dahil batid ng mga ito ang sinseridad ng tambalang Polintan-Ventura sa larangan ng serbisyo publiko at pagtulong nang taos sa puso at walang hinihinging kapalit.

“Tunay na serbisyo para sa bawat Balagtaseño, paglilingkod na may takot sa Diyos at walang pansariling interest kundi tapat at maayos na pamamahala ang maaasahan sa Team Liga ng Pagbabago,” ayon kay sa tinaguriang “The Good Samaritan” mula noon hanggang ngayon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews