May 40 negosyante mula Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Marikina, at Zambales ang lumalahok dito na isinasagawa sa Service Road ng Harbor Point.
Sinabi ni DTI Provincial Director Enrique Tacbad na layunin ng caravan, na tatagal hanggang ika-20 ng Mayo, na makapagbigay ng diskwentong presyo sa mga pangunahing bilihin na kailangan ng mga mag-aaral gaya ng uniporme, sapatos at school supplies.
Ibinahagi ni Tacbad na noong nakaraang taon, ang DTI Zambales ang may pinakamaraming Diskwento Caravan sa buong Gitnang Luzon kung saan ito ay nakapaglingkod sa 5, 055 konsyumers at kumita ng 1.195 milyong piso.
Kasabay nito ay nagkaroon rin ng Mini Job Fair ang Subic Bay Metropolitan Authority Labor Department.
Mayroon 21 locators ang nakilahok kung saan mahigit 500 ang job vacancies.