SAMPUNG bayan sa lalawigan ng Bulacan ang idineklarang zero Covid cases habang inanunsiyo rin ng Bulacan Provincial Health Office (PHO) na nakalabas na sa Bulacan Infection and Control Center (BICC) ang kahuli-hulihang Covid—19 patient matapos ang dalawang taon ng pag-aalaga at gamutan sa naturang pasilidad buhat nang mag-pandemiya.
Sa pangunguna ni PHO II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga doktor, nurse at staff ng nasabing main COVID facility ng probinsiya ay isang simpleng send-off ceremony ang isiinagawa nitong Miyerkules para sa 45–anyos na lalaking pasyente ng naturang pagamutan.
Natutuwa ring ipinahayag ni Celis ang sampung bayan buhat sa 24 na local na pamahalaan dito ang ngayon ay zero Covid cases na.
Bagamat maganda ang kasalukuyang datos ng Bualacan ay hindi ito ibig sabaihin ay tapos naa ang laban sa COVID-19 kung saan naniniwala si Governor Daniel Fernando na mahaba-haba pa rin ang pakikibaka kontra sa nasabing deadly virus.
“Marahil sariwa pa sa alaala natin ang mga panahon na walang kasiguraduhan kung kailan o paano matatapos ang laban natin na ito. Ngunit ang pangyayari ngayong araw ay isang hudyat ng pag-asa. Pag-asa na matapos ang dalawang taon, tanaw na natin ang liwanag na bunga ng ating sama-samang pagsusumikap,” ayon sa gobernador.
Pinasalamatan din ni Fernando ang mga health workers at frontliners ng BICC sa kanilang walang kapagurang paglilingkod para sa mga Bulakenyos.
“Walang kapantay ang pagsaludo at paghanga ng inyong lingkod sa ating mga health workers at frontliners na silang naging ating primerong depensa laban sa COVID-19. Sila ang numero unong dahilan kung bakit paulit-ulit nating nagapi ang sakit na ito,” wika ni Fernando.
Napag-alaman na umabot sa 9,508 pasyente ang na-admit sa BICC mula nang ito ay magsimulang mag-operate noong May 2020.
Samantala, as of May 27, 2022, ang Bulacan ay mayroon pa rin naitalng 62 total number ng active COVID cases kung saan 7 dito ay fresh cases.
Ayon sa Provincial Health Office-Public Health, ang lalawigan ay nakapagtala ng 109,505 total verified COVID cases, 107,745 or 98% naman ang nakarekober at umabot na sa 1,698 nasawi sa nasabing virus.
Sa report ng PHO, ang mga local government units na nananatiling nasa highest number of COVID active cases ay ang bayan ng Bocaue na mayroon 14 cases; City of San Jose Del Monte ay 12 cases; Hagonoy town ay 10 cases; Marilao ay 5 at ang City of Malolos na mayroong 4 active cases.
Samantala, ang sampung munisipyo na idineklarang zero active cases ay ang mga munisipalidad ng Baliwag, Bustos, Guiguinto, Norzagaray, Obando, Paombong, Pulilan, San Miguel, San Rafael and Donya Remedios Trinidad.