Engineer patay sa drowning incident sa Bataan

Patay ang isang inhinyero mula sa Pampanga sa naganap na drowning incident sa Morong, Bataan, Sabado ng gabi. 

Ayon sa ulat mula sa Morong PNP, kinilala ang biktimang si Vicente Raul Estañero, 60 anyos, residente ng Brgy. San Juan, Mexico, Pampanga. 
Base sa police report, nangyari ang insidente sa La Serrano Beach Resort, Nagbalayong, Morong, Bataan. 

Ayon sa kwento ng mga kaanak ng biktima, suot ang swimming gear ay lumangoy at nag- snorkeling ang biktima sa naturang resort subalit ilang sandali umano ang nakalipas ay napansin nilang hindi ito gumagalaw at palutang lutang sa laot, 100 metro ang layo mula sa shoreline. 

Nang marekober ang katawan nito, sinubukan pang irevive ng lifeguard na si Jethro Aquino ang biktima hanggang sa maisugod sa Morong Rural Health Unit kung saan idineklara itong dead on arrival (DOA) ni Dr. Ema Bugay, attending physician. 

Noong nakaraang linggo ay dalawa naman ang namatay rin sa pagkalunod sa isa pang beach resort sa kaparehong bayan. Dahil dito ay bumuo ng technical working group ang LGU-Morong para mag inspeksyon sa mga beach resorts kung sumusunod ba ito sa safety requirements. 

Ang Bataan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office o PDRRMO ay nakikipagtulungan na rin sa Provincial Tourism Office para sa anumang assistance na kakailanganin ng LGU-Morong kaugnay sa mga napaulat na mga insidente rito. (MHIKE CIGARAL) 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews