Pinangunahan nitong Mierkoles ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang paggunita sa World Day Against Child Labor sa Pilipinas 2022 sa Freeport Area of Bataan sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay AFAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda karapatan ng bawat Pilipino na protektahan ang karapatan at kalagayan ng mga bata laban sa child labor sa lahat ng panig ng bansa.
Tiniyak naman ni Pineda ang patuloy na pagbibigay ng proteksyon at pagrespeto sa mga karapatan ng lahat ng mga mangagawa sa loob ng Authority of the Freeport Area of Bataan at iniulat na walang napaulat na anumang kumpanya na may nagaganap na child labor sa loob ng FAB.
Samantala, sa isinagawang pag-aaral ng Department of Labor and Employment o DOLE, ayon sa datos noon pang 2011, ang Central Luzon ang may pinakamataas na porsyento (10.5 %) ng napaulat na child labor incidents.
Pero iniulat ni Leila Reynoso, Provincial Director ng DOLE Bataan, hindi nagpabaya ang kanilang tanggapan sa kampanya laban sa child labor.
Sa katunayan aniya, kasama siya sa mga gumawa ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9231 o “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
Ipinaliwanag din ni PD Reynoso ang kaibahan ng Child Work vs. Child Labor.