Bataan solon kinondena pagpaslang kay ex-PM Abe

Mariing kinondena ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman ang pagpaslang kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe nitong Biernes.

“I condemn in the strongest terms the assassination of Japan’s former Prime Minister Shinzo Abe. I am shocked to hear news of such violence in a country in which political violence is rare and guns are strictly controlled. This is absolutely unforgivable,” pahayag ni Congresswoman Roman.

Si Abe, 67, ay binaril Biernes ng umaga habang nagsasagawa ng talumpati sa isang political campaign sa Lungsod ng Nara, Japan ng isang hindi pa pinangalanang 40 anyos na lalaki gamit ang isang handmade gun.

Ngayong hapon ay pumanaw na ang dating Japanese Premier habang nasa isang ospital sa Japan.

“Everyone should be able to exercise their right to free speech without fear of violence, as it is one of the cornerstones of all democracies.
Sa ating mga kababayan, I will ardently work as your legislator to protect you from all forms of violence. Naniniwala ako na lahat tayo ay may karapatan sa malayang paniniwala at pananalita. Naniniwala rin ako na lahat tayo ay may karapatang mabuhay ng matiwasay, tahimik, at walang pangamba,” dagdag pa ni Rep. Roman.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews