Japanese company bagong investor sa Hermosa ecozone

Pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang grand opening ng Yokowo Manufacturing of the Philippines Inc. sa loob ng Hermosa Ecozone Industrial Park, Hermosa, Bataan, Hueves ng umaga. 

Kasabay nito ang ribbon cutting at ang kanilang tradisyon o seremonya ng pag-inom ng sake (rice wine) bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng Yokowo Manufacturing Company. 

Nakasama ni Mayor Inton sa inagurasyon sina Mr. Furumi Yokowo Executive, Mr. Yokoo Yokowo Executive, Ms. Dita Angara- Mathay Foreign Trade Service Corps (FTSC-DTI), Mr. Masahiro Nakata Embassy of Japan, at Mr. Emmanuel D. Cortero PEZA Baguio. 

Sa mga local officials ay dumalo rin sona Vice Gov. Cris Garcia Provincial Vice Governor of Bataan, Congresswoman Geraldine Roman ng Bataan 1st District, Ms. Leilani Reynoso ng DOLE Bataan, at si Congressman Abet Garcia ng Bataan 2nd District. 

“Kasabay ng opisyal na pagbubukas nito ay ang malaking oportunidad para sa libo-libong trabaho sa ating mga Kababayan. Ang kumpanyang Yokowo Manufacturing of the Philippines Inc. ay inaasahang makakapagbigay ng humigit kumulang 3,000 manggagawa.

Bukod dito, ito ay magbibigay ng dagdag kita para sa ating Bayan na gagamitin ng inyong Pamahalaang Bayan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga Kababayan,” masayang pahayag ni Mayor Inton sa panayam ng local media.

Ang Yokowo Co. Ltd. ay nagrehistro ng 100% wholly-owned subsidiary company sa Pilipinas sa ilalim ng pangalang Yokowo Manufacturing of the Philippines. 

Ang kumpanya ay namumuhunan ng PHP 230 milyon (USD 4.8 milyon) para sa 3.7-ektaryang planta ng produksyon sa Hermosa Ecozone Industrial Park sa Bataan.

Ang Yokowo Co. Ltd. ay gumagawa ng mga makabagong high-tech na produkto para sa mga tagagawa o manufacturers sa buong mundo sa sumusulong na electronics, electrical machinery, at automotive na industriya. Inilalarawan nila ang kumpanya bilang isang espesyalista sa pagmamanupaktura ng mga antenna, pinong connector, microwave, at advanced na device para sa automotive, semiconductor testing system, mobile device, at advanced na mga sektor ng medical device. 

Ito na ang pangalawang pamumuhunan sa paggawa ng wiring harness sa Hermosa Ecozone. Ang una ay mula sa Sumitomo Wiring Systems, isa pang Japanese company, ang Sumi Philippines Wiring Systems (SPWS).   

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews