NANUMPA ang mga bagong halal na pamunuan ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter kay Governor Daniel Fernando makaraan ang matagumpay na halalan isinagawa sa Casies Restaurant sa Malolos City nitong Lunes.
Pinangunahan ni Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr. bilang bagong halal na presidente ng Bulacan LMP ang iba pang mga alkalde na nanumpa mismo sa gobernador sa tanggapan nito sa Kapitolyo.
Si Villanueva ay unanimously voted at hinirang na bagong presidente ng nasabing samahan nang walang kalaban kasama ang iba pang mga opisyales na sinaksihan ni outgoing president at ngayon ay Kinatawan ng 5th District na si Congressman Boy Cruz at mga representante mula sa LMP national at Department of Interior and Local Government (DILG) Bulacan.
Kabilang sa mga iniluklok na opisyal ay sina Pulilan Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo bilang Vice President; Baliuag Mayor Ferdie Estrella-Treasurer; Paombong Mayor Maryanne P. Marcos-Auditor; Plaridel Mayor Jocell Aimee R. Vistan-Casaje bilang Secretary; Balagtas Mayor Eladio E. Gonzales Jr-P.R.O.; Guiguinto Mayor Agatha Paula A. Cruz-Business Manager.
Si Pandi Mayor Enrico Roque naman ang tatayong Chairman ng Board of Directors kasama mula sa 1st District: Mayor Flordeliza C. Manlapaz (Hagonoy) at Mayor Vergel C. Meneses (Bulakan); 2nd District: Mayor Francis Albert G. Juan (Bustos); 3rd District: Mayor Mark Cholo Violago (San Rafael) at Mayor Fernando S. Galvez Jr. (San Ildefonso); 4th District sina Mayor Leonardo D. Valeda (Obando) at Mayor Ricardo M. Silvestre (Marilao); 5th District: Mayor Eladio E. Gonzalez, Jr. (Balagtas); 6th District: Mayor Reynante S. Bautista (Angat) at
Mayor Maria Elena L. Germar (Norzagaray).
Ang tatayong mga Council of Advisers ay sina Mayor Bartolome R. Ramos (Santa Maria), Mayor Ronaldo T. Flores (DRT), Mayor Roderick Tiongson (San Miguel) at Mayor Glorime Faustino (Calumpit).
Si Mayor Villanueva ay nakatatandang kapatid ni Senator Joel Villanueva na naluklok naman kamakailan bilang new chairman of the Senate Committee on Rules ng Senate of the Philippines.
Ayon kay Fernando handa siyang suportahan ang lahat ng aktibidad ng Bulacan LMP sa abot ng kaniyang makakaya para sa ikabubuti ng nasabing organisasyon sa kapakinabangan ng lalawigan ng Bulacan.
“Kami man po mga Bulacan mayors ay nakahandang sumuporta sa liderato at pamumuno ni Gob Fernando para sa mas progresibo at maayos na pamayanan,” pahayag naman ni Villanueva.