DILG: Mga proyekto sa ilalim ng SBDP sa Bulacan mapapakinabangan

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government o DILG na mapapakinabangan ang mga proyekto sa barangay San Mateo sa Norzagaray, Bulacan na nasa ilalim ng Support to Barangay Development Program o SBDP.

Kabilang na riyan ang konstruksyon ng dalawang yunit ng health station na nagkakahalaga ng pitong milyong piso at farm-to-market road na may pondong 3.7 milyong piso.

Ayon kay DILG Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia,  halos 100 porsyento ng tapos ang isang yunit ng health station habang nasa halos 50 porsyento ng tapos ang ikalawa.

Kasama rin sa ginagawa ang livestock for cow breeding para sa 70 mahihirap na pamilya na pinaglaanan ng 3.05 milyong piso.

Ayon pay kay Fabia, mailalatag na ngayong buwan ang electrification project sa lugar na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

Hinihintay na lang aniya ang clearance mula sa Angat Watershed Area Team.

Karagdagang 750,000 piso naman ang inilaan sa pagbili ng mga pataba  o abono sa mga gulay, palay at ibang pang panamin.

Sa kabuuan, aabot sa humigit kumulang 20 milyong piso ang inilaan sa naturang barangay upang tulungan ang mga residente lalo na ang mga katutubong Dumagat.

Isa itong istratehiya ng pamahalaan sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict upang wakasan na ang problema sa insurhensiya.

Sinabi ni Fabia na napaka-importante na matapos nang mabilis ang mga proyekto ng SBDP para mabawasan ang mga suliranin ng mga naninirahan doon lalo’t higit ang mga Dumagat at upang maiparamdam na hindi sila pinababayaan ng pamahalaan. (CLJD/VFC-PIA 3) 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews