140 Bulakenyo microenterprises tumanggap ng livelihood kits mula sa DTI

 140 micro enterprises sa Bulacan ang tumanggap ng ibat’ ibang livelihood kits mula sa Department of Trade and Industry o DTI sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG program.

Ayon kay DTI Provincial Director Edna Dizon, ang PPG ay isang livelihood seeding at entrepreneurship program para sa malilit na negosyante.

Binibigyan prayoridad nilang tulungan ang mga naapektuhan o nasalanta ng kalamidad tulad ng nasunugan at maging mga naging biktima ng armadong labanan at mga health disasters tulad ng COVID-19.

Nagpaalala pa si Dizon sa mga benepisaryo na gamitin ng wasto ang 10,000 pisong halaga ng iba’t ibang livelihood kits bilang pandagdag puhunan at masuportahan ang kanilang negosyo.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng kagawaran ang 76 Bigasan livelihood kit; 59 na Frozen products kit; dalawang condiments livelihood kits at tig-isang fried chicken, lugawan at merienda livelihood kit.

Target ng DTI na mabigyan livelihood kits ang may 1,960 Bulakenyo sa pagtatapos ng 2022.

Bilang bahagi ng programa, isang entrepreneurship and development seminar ang isinagawa para sa mga benepisyaryo. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews