BOC ipinaubaya na ang kustodiya ng OFWs balikbayan boxes sa mga bidders

IPINAMAHALA na ng Bureau of Customs (BOC) sa FR Agbay Enterprises ang kustodiya at pamamahagi ng mga abandoned Overseas Filipino Workers (OFW) Balikbayan Boxes.

Ito ang kinumpirma ni Robert Uy, presidente ng FR Agbay Enterprises at kinatawan ng Association of Bidders of the Bureau of Customs matapos makipagpulong ang kanilang abogado at ang kampo ng third party na Door-To-Door Cargo Association of the Philippines (DDCAP) sa patawag ni Director Michael Fermin ng Internal Administration Office/ Trade Information Risk Analysis Office ng BOC at siya ring Focal Person ni Commissioner Yogi Felimon Ruiz.

Sinabi ni Uy sa Manila Times na tinawagan siya mismo ni Fermin at sinabing pumapayag na ang BOC na sa kanilang pangangasiwa na ipinamamahala ang pag-release ng mahigit 3,000 mga OFW balikbayan boxes.

Sinabi umano ni Fermin kay Uy na ‘out of picture’ na ang DDCAP sa usapin ng na-auction na mga bagahe ngunit kailangan ma-inventory muna ang mga bagahe bago isagawa ang door-to-door delivery para sa mga rightful owners o consignees.

Magugunia na inereklamo ng Association of Bidders of the Bureau of Customs ang DDCAP kaugnay ng umanoy panghihimasok bilang third party sa pamamahala ng pamamahagi ng mga inabandonang OFW balikbayan boxes.

Ang 7-pahinang consolidated complaint-affidavit ay ipinarating ng mga complainants sa pangunguna ni Uy at kinatawan ng bidders association Fermin nito lamang Nobyembre 3, 2022.

Nakasaad sa pitong-pahinang reklamo ay ang hiling ng mga complainants na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon laban sa DDCAP, isang forwarding/ logistics business company,  hinggil sa umanoy  panghihimasok nito sa na-auction na balikbayan boxes.

Ayon kay Uy, ikinagulat nila at nadismaya nang makita nila ang social media post ng DDCAP, hinggil sa pag-anunsyo nito na sila na ang hahawak at awtorisadong magre-release ng mga nasabing mga bagahe sa mga claimants o lehitimong kaanak ng mga nagpadalang OFWs.

Magugunita, na noong Setyembre 30, 2022 ay ang FR Agbay Enterprises ksama ang iba pang mga co-bidders ang rightful bidders na nanalo sa isinagawang auction sa nasabing abandoned goods na mga balikbayan boxes at siyang may karapatan sa pamamahagi nito sa mga rightful owners.

Base sa complaint-affidavit, lumalabas na  ang trucking services ng nasabing door to door cargo na ang siyang mamahala sa releasing ng mga balikbayan boxes.

Pahayag ni Uy, sa kanilang proseso ng pamamahagi ay walang silang sinisingil na ano mang kabayaran mula sa mga consignees habang inakusahan nito ang DDCAP na ang serbisyo nito ay “not for free but ‘at cost'” kung kayat tinututulan nila ang panghihimasok ng DDCAP.

Magugunita na nagsimula ang FR Agbay Enterprises ng pag-release ng balikbayan boxes Oktubre 21, 29 at nitong nakaraang Nobyembre 5 na scheduled releasing at pick-up ay isang derektiba mula kay Director Fermin ang nag-uutos na ikansela ang pamamahagi na nagsanhi ng tensyon mula sa nagalit na mga claimants.

Kalaunan ay agad ding binawi ni Fermin ang derektiba ng araw na yun at pinayagan na ang FR Agbay Enterprises na ipagpatuloy ang pamamahagi ng balikbayan boxes upang maiwasan ang namumuong tensyon.

Kahapon, Nobyembre 7 ay ipinatawag ni Fermin si Uy subalit ang abogado lang nito ang humarap at ang kampo ng DDCAP upang pag-usapan ang legalidad na aksyon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews