3,000 Zambaleño, tumanggap ng ayuda mula sa DSWD

IBA, Zambales — May kabuuang tatlong libong indibidwal sa Zambales ang tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Bawat benepisyaryo ay nabigyan ng dalawang libong piso sa idinaos na tatlong araw na pay-out ng kagawaran sa bakuran ng Kapitolyo.

Ayon kay DSWD Regional Director Jonathan Dirain, layunin ng programa na magbigay ng tulong pinansyal sa mga Pilipinong nakararanas ng krisis tulad ng malalang sakit, pagkaka-ospital, maging sa edukasyon at paglipat sa kanilang sariling lalawigan.

Aniya, umaasa sila na gaano man kaliit ang halaga ay naiparamdam nito na narito ang gobyerno upang tumulong.

Kasabay ng programa, namahagi ng pagkain, grocery packs, vitamins, shirts, at face masks ang Tanggapan ni Senador Christopher Lawrence Go.

Nagbigay din si Go ng sapatos, cellular phone, bisikleta at mga bolang pang-volleyball at basketball sa mga piling indibidwal. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews