72 indibidwal sa bayan ng San Felipe, tumanggap ng livelihood package sa DOLE

May kabuuang 72 indibidwal sa bayan ng San Felipe sa Zambales ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment o DOLE. 

Ayon kay DOLE Zambales Field Office head Reynante N. Lugtu, ito ay sa ilalim ng Ahon sa Pandemic Kabuhayan Project (Formation) na may layuning mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga kababayang self-employed na hindi sapat ang kinikita. 

May 26 na miyembro ng San Felipe Zambales Tricycle Operator Driver Association ang tumanggap ng motorcycle parts and vulcanizing package na nagkakahalaga ng 300 libong piso. 

26 kasapi naman ng Philippine Royal Guardians Brotherhood International Inc. ang benepisyaryo ng tinapa making na nagkakahalaga rin ng 300 libong piso.

Samantala, may 20 kwalipikadong indibidwal din ang tumanggap ng iba’t-ibang pangkabuhayan package.

Kabilang na riyan ang dried fish, puto kakanin, sari-sari store, dishwashing, mamihan at gotohan, pottery making, egg hub, sewing and repair shop, cosmetic at noodle making. (CLJD/RGP-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews