2 piloto ng PAF patay sa plane crash

Dalawa ang patay sa bumagsak na Philippine Air Force plane ganap na 10:40 a.m. nitong Mierkoles, Enero 25. Kinumpirma ni Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco ang plane crash na anaganap sa Sitio Tabon, Brgy. Del Rosario, Pilar, Bataan.

Ang mga biktima ng insidente ay ang dalawang pilot ng Philippine Air Force na kinilalang sina Captain John Paulo O. Aviso at Captain Ian Gerru C. Pasinos.

Ang eroplano na bumagsak ay na-identified ng PAF na isang Marchetti SF260 na may tail number 29-01 na nakita ng mga residente sa lugar na mabilis na bumabagsak sa gitna ng kabukiran sa naturang barangay. Kaagad na tumugon ang mga tauhan ng Pilar MPS at 2nd Police Mobile Force Company sa lugar ng pagbagsak at nakumpirma ang pagkamatay ng dalawang pilot na nakitang nakapatong sa cockpit ng eroplano.

Rumesponde rin ang Metro Bataan Development Authority (MBDA), BFP, Philippine Red Cross at iba pang local rescue units sa crash site.

Ang insidente ay kasalukuyang iniimbestigahan na ngayon, as of press time, ng mga opisyal ng Philippine Air Force upang malaman ang totoong dahilan ng pagbagsak ng eroplano. Ang mga bangkay ng mga biktima ay dinala na sa Martinez Funeral Homes sa Pilar, Bataan para sa proper documentation at disposition. (MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews