Nagkaloob ng mga kagamitan ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga mag-aaral ng pagkakarpintero sa Zambales National High School.
Ito ay sa ilalim ng Project CARES ng Consumer Protection Division na naglalayong matulungan ang mga komunidad sa lungsod ng Olongapo at iba’t-ibang bayan sa lalawigan na bumuo ng mga sustainable na proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership.
Ayon kay DTI Zambales Consumer Protection Division Officer-In-Charge May Ann Bermas, may dalawang libong carpentry students ang makikinabang sa naturang donasyon kung saan naging katuwang ng ahensya ang Abenson Ventures Inc.
Nasa 67 piraso ng mga kagamitang muwebles ang ibinigay sa paaralan na may kabuuang halaga na 325,761 libong piso.
Kabilang na riyan ang table burke, glass dining table, kitchen troll, trestle, bed frame, photographic giant floor lamp, back panel, at door.
Makakatulong aniya ang mga kagamitang ito na mahasa ang carpentry skills ng mga estudyante sa pagkukumpuni ng mga dinonate nilang gamit.