“Heroes’ Legislative and Servant Leadership Excellence Award” iginawad kay Vice Gov. Alex Castro

Isa na namang prestihiyosong parangal ang iginawad kay Bulacan Vice Governor Alex Castro bilang “Heroes’ Legislative and Servant Leadership Excellence Award” ng Asia’s Modern Hero Awards 2023. 

Ang karangalang ay iginawad noong February 17, 2023 sa The Grand Ballroom, Okada Manila sa Paranaque City kung saan ay kasama ring ginawaran ng Hero Award ang mga kilalang public servants at mga kilalang indibidwal mula sa pribadong sektor.

Ang naturang parangal ay dahil sa pagkilala sa kanyang husay sa larangan ng serbisyo publiko at sa kanyang galing bilang isang mambabatas. 

“Ang bawat isa po sa atin ay maaaring maging bayani. Basta nasa puso natin ang ating mga tungkulin at nagagawa natin nang tama ang lahat, tayo ay nagiging bayani. Bonus na po na may mga tao tayong natutulungan o kaya naman nabibigyan ng inspirasyon. Dahil kapag mayroon tayong na-inspire na kahit isang tao, ganon din ang kanilang gagawin sa iba,” wika ni Castro.

Pinasalamatan ni Castro ang bumubuo ng Asia’s Modern Hero Awards 2023 sa pagtitiwala at parangal na iginawad sa kaniya.

Aniya, ang nasabing parangal ay magsisilbing inspirasyon niya upang upang lalo pang pag-igihan ang ang paglilingkod sa kaniyang mga kababayang Bulakenyo.
Kabilang sa mga tumanggap ng Asia’s Modern Hero ng taong 2023 ay sina Manila Times Chairman Emeritus Dante A. Ang bilang Heroes’ Prominent and Empowered Journalist Leader of the Year; ang kaniyang anak na si Manila Times Chairman and  CEO Dante “Klink” Ang 2nd bilang Heroes’ Prominent and Iconic Chief Executive Leader of the Millenium.

Tumanggap din ng Heroes Award sina Manuel V. Pangilinan, Mayor Vico Sotto, Lt. Gen. Rhodel Sermonia, Usec. Anna Mae Lamentillo, Karen Davila, Hon. Lucy Torres-Gomez, at iba pa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews