NASA 3,125 na Bulakenyo mula sa bayan ng Guiguinto at sa Lungsod ng Meycauayan ang tumanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Health (DOH) mula kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kamakalawa, Hunyo 9, 2023.
Unang binisita ni Go ang City of Meycauayan kasama si Mayor Henry Villarica ay pinangunahan nila ang AICS payout para sa 1,465 beneficiaries na kinabibilangan ng mga LGBTQ, Solo Parents, poor women, poor senior citizen without pension, at PUJ/UV drivers na ginanap sa Villarica’s Residence sa Cadena de Amor St., Barangay Saluysoy.
Bago ang AICS payout ay isinagawa muna ang inagurasyon ng Super Health Center na itinayo sa Barangay Camalig, Meycauayan sa pangunguna ni Sen. Go at Mayor Villarica.
Ang nasabing center ay nagkakahalaga ng P11.5-milyon kung saan ang mga serbisyong hatid nito ay database management, outpatient, panganganak, isolation, diagnostic (laboratory, x-ray, ultrasound), pharmacy at ambulatory surgical unit.
Mayroon din dito EENT service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center, telemedicine para sa remote diagnostic at treatment sa pasyente at kalaunan ay magkakaroon din ng dialysis center.
Pagkaraan ay tumakbo si Go sa bayan ng Guiguinto at dito ay nasa 1,660 mga estudyante ang nakatanggap ng AICS cash assistance mula pa rin sa senador at kasama niya rito sina Mayor Agatha Paula Cruz, Vice Mayor Banjo Estrella.
Bukod sa AICS aid ay namigay din si Go ng personal nitong ayuda, food packs, masks, vitamins, bicycles, cellular phones, shoes, shirts, at bola sa basketball at volleyball para sa mga selected recipients.
Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ni Mayor Villarica at Mayor Cruz sa kaloob na suporta at pagbaba ng mga programang pang nasyunal sa kanilang nasasakupan.