‘ED Talks’ dinaluhan ng Bulacan-based journalists

ISANG makabuluhang seminar para sa mga mamamahayag na nakabase sa lalawigan ng Bulacan ang inilunsad, ang ‘ED Talks’ journalism training series for regional media na ginanap sa Casa Remedios, Barangay Mabolo, City of Malolos nitong Martes, Hunyo 27, 2023.

Ang nasabing pagsasanay ng kaalaman sa larangan ng pamamahayag ay ang 3rd Ed Talks seminar na may temang “Becoming New Media” ay para sa mga lehitimong mamamahayag na inorganisa ni Nathaniel Barreto, deskman ng The Philippine Star. 

Ang nasabing Ed Talks seminar ay inisponsoran ng San Miguel Corporation.

Ayon kay Baretto, ang kanilang adbokasiya ay upang maibigay ang pinakamahusay na mga kasanayan sa industriya ng pamamahayag sa pamamagitan ng journalism education sa mga regional journalists.

Ito ay dinaluhan ng mga selected news writers at social media practitioners sa Bulacan na kung saan ang kanilang journalism skills ay mas pinahusay sa nasabing whole-day journalism skills enhancement.

Kabilang sa mga naging resource speakers ay sina Ces Dimalanta, owner-blogger ng Manila Millennial at business reporter para sa kaniyang topic na  “The right content: Digital media for aspiring influencers”;  Aptitude CEO Lawyer Marcelino Veloso III – “Making social media work (and make money) for you”; “Community journalism and the fight against disinformation” ay ipinaliwanag naman ni Janvic Mateo, Lecturer, UP College of Mass Communications at ang huli ay si veteran journalist Tony Lopez, Chairman/ CEO of Biz News Asia na tinalakay naman ang “Creating your own brand, making your own mark in media and how to help the economy while doing it”.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews