Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Guiguinto, Bulacan sa pangunguna ni Mayor Agatha Paula Cruz ang kauna-unahang Guiguinto Pride Fest 2023 na ginanap sa Municipal Quadrangle nitong Huwebes.
Ito ay may temang “Project Bahaghari: Ipagmalaki” kung saan tatlong aktibidad ang isinagawa kabilang na ang Pride Lane, Pride Parade at Pride Lights.
Kasabay ng nasabing event ay inilatag nila Mayor Cruz, Vice Mayor Banjo Estrella at mga kasapi ng Sangguniang Bayan ang “Gender-Fair Ordinance” na nakatakdang ihain sa Sangguniang Bayan upang isabatas sa mga susunod na araw.
Nauna rito, nagkaroon din ng paligsahan sa mga creative “Arko ng Bahaghari” na mistulang ‘Flores De Mayo’ kasama pumarada ang mga lumahok sa ‘Reyna ng Bahaghari’ mula sa 14 na barangay sa Guiguinto.
Ayon kay Mayor Agatha, ang paghain ng ordinansa ay napapanahon na sa bayan ng Guiguinto ang pagkakaroon ng pantay-pantay na treatment, pagkakaisa at ipinagmamalaking pagbubuklod-buklod ng ibat-ibang sektor kabilang na ang lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex, asexual (LGBTQIA).
“Objective po nito ay to eliminate all forms of discrimination, to promote measures that will ensure the protection of all ot just for LGBTQ but for all our constituents. Dito sa Guiguinto we want to embrace the differences of everybody,” ayon kay Mayor Cruz.
Aniya, iba-iba ang points na nilalaman ng ordinansa gaya ng discrimination in the workplace, in academic institution at iba pang institution of learning, fairness in terms of employment, in terms of receiving basic goods and services.
Nakapaloob din dito ang alokasyon sa budget na gagamitin sa raising awareness, sa pagsasagawa ng information campaign sa gender equality at protection of all rights.
Nabatid na ang bayan ng Guiguinto ang kauna-unahang munisipalidad ang maghahain ng nasabing ordinansa sa lalawigan bukod sa mga Lungsod ng Malolos, City of San Jose Del Monte at Baliwag City.
“ Ang gusto po natin ay not to favor one gender identity special over another para sa karapatan pangtao. Ang promotion of equality, fairness, respect for all ay universal principle,’ wika ng alkalde.
Itinanghal naman bilang grand wnner ng ‘Reyna ng Bahaghari’ si George Cruz ng Barangay Sta Rita at nakapag-uwi ng cash prize na P10,000 at certificate.
Ang iba pang nagwagi ay sina Arnold Stephen Oloroso, 1st Runner-up Barangay Cutcot; Kit Vincent Cudia, 2nd Runner-up Barangay Pritil; Jhomer Landayan, 3rd Runner-up Barangay Pulong Gubat at Allan De Leon, 4th Runner-up Barangay Tabe.
Ang mga nagwagi naman sa “Arko ng Bahaghari” ay Barangay Pritil-grand winner; 1st Runner-up Barangay Sta Rita; 2nd Runner-up Barangay Poblacion; 3rd Runner-up Barangay Tabang at 4th Runner-up Barangay Cutcot.