COVID cases nananatiling low risk sa Bulacan

CITY OF MALOLOS – INANUNSIYO ng Provincial Health Office – Public Health (PHO-PH) na nananatiling nasa Alert Level 1 o minimal risk level classification sa buong bansa ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.  

Nabatid na nito lamang July 11, iniulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ang 20 fresh cases at 0 late cases kumpara sa 229 cases recorded ng PHO-PH noong July 19, 2022.

Bagamat nasa low risk level ang probinsiya, paalala ni PESU Nurse Bryan Alfonso sa mga Bulakenyo na patuloy ipatupad ang  Minimum Public Health Standard (MPHS).

“Kabilang po sa ating pagpapanatili ng ating minimum public health standard ay ‘yung pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay palagain. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga alcohol-based products, at kung tayo din po ay nakararanas ng sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, pananakit ng ulo o ‘di kaya’y pananakit ng katawan, tayo po ay pinakikiusapang mag-home isolation na lamang para po hindi na tayo makahawa pa sa iba,” aniya.

Maging si Governor Daniel R. Fernando ay ipinaliwanag ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 na available sa mga  Municipal Health Centers, Rural Health Units and Barangay Health Stations sa buong lalawigan nang libre.

Samantala, may kabuuang 2,192 kaso ng dengue ang naitala mula January to July 2023 katumbas ng 68% lower kumpara sa nakaraang taon na mga kaso.

“Hindi po nangangahulugan na mababa ang ating direct cases sa panahong ito ay ipagpapawalang bahala na natin ang ating kalinisan. Naniniwala po tayo na ang kalinisan ay ang unang una po nating panangga sa pagkalat ng sakit na Dengue,” wika ni Alfonso.

Ang PHO-PH ay nakapagtala ng high cases ng Dengue sa mga minisipalidad ng Bocaue, Bulakan and Marilao from July 2-8, 2023.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews