KTO inilunsad ang Korea MICE Road Show 2023

Inilunsad ng Korea Tourism Organization (KTO) ang Korea (Meeting, Incentives Conferences and Exhibition) MICE road show 2023 sa bansa para palakasin hindi lang ang relasyon sa pagitan ng Korea at mga turistang Pinoy kundi pati ang partnership relation ng dalawang bansa.

Ang MICE Road Show ay inilunsad sa New World Makati Hotel sa Taguig City nitong Biyernes ng KTO

Sa pangunguna ni Senior Vice President James Lee kasama si Director Hyung Joon Kim ng KTO Manila.

Korea Tourism Organization Senior Vice President James Lee

Layunin nito na mapalakas ang bilang ng turistang Pilipino sa bansang Korea kasabay ng pagdaraos din ng Korea Travel Fiesta 2023 na giananap Setyembre 2-3 sa Glorieta Activity Center at Palm Drive Activity Center isa Makati City.

Sa ginanap na PRESS briefing kasama ang Bulacan-based media sa pangunguna ni Carmela Reyes-Estrope, president ng Central Luzon Media Association (CLMA), sinabi ni Lee na ang Korea Travel Fiesta ay isang travel sale and showcase event ng Korean tourism and culture katuwang ang KTO at Embassy of the Republic of Korea at  Korean Cultural Center (KCC)  sa Pilipinas.

Sa nasabing event ay pinagsama-sama ang mga Korean tourism stakeholders gaya ng Regional Tourism Organizations (RTOs), land operators, winter ski resorts, at performance teams para bumuo ng new products kasama ang Philippine travel agencies.

“The Korea Tourism Organization hopes to welcome more Filipino visitors to Korea this year and believes that efforts such s this event will build stronger relationships between our two countries,” wika ni KTO VP Lee.

Nabatid na nasa 500K Pilipino ang pumupunta sa Korea taon-taon kung saan ang Pilipinas ang No. 1 na turistang nagpupunta sa Korea habang pang-pito naman sa buong mundo.

Napag-alaman na mahigit 17-milyon around the world ang bumibisita sa Korea bago mag-pandemic at bumagsak ito ng 5.46-milyon kada taon noong post pandemic at inaasahan ni lee na sa taong ito 2023 ay aakyat ang bilang ng mga turista hanggang 11-milyon dahil sa kanilang KTO’s “Visit Korea Year” program.

Ayon kay Director Kim, nakilala ang Korea at naging popular sa mga Pilipino dahil influence ng K-Pop at K Drama kung saan ang mga pinoy ay nais ma-experience ang Korean culture gaya ng Korean food, Korean beauty, sceneries at heritage sites. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews