Bumisita si Senator Imee R. Marcos sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan upang pangunahan ang pamamahagi ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) payout mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes, September 12, 2023.
Personal na binisita ni Sen. Marcos ang mga bayan ng Obando, Balagtas at Marilao para sa nasabing aktibidad katuwang ang ahensiya ng DSWD kung saan kabilang sa mga ipinagkaloob ay AICS benefits, school bags and supplies para sa mga qualified residents dito.
Unang pinuntahan ni Sen. Imee ang Barangay Tawiran sa bayan ng Obando at 1,000 residente rito ang nabiyayaan ng tig-3,000 pesos at gamit pang-eskuwela.
Kasunod ang Central School Sports Complex sa bayan ng Balagtas na pinagkalooban din ang 1,000 benepisyaryo ng kaparehong ayuda.
Huling tinungo ng senadora ang AFG Bernardo Memorial Trade School sa bayan ng Marilao at 1,000 ring residente rito ang nabiyayaan ng cash assistance at bag/ school supplies.
Matapos ang AICS payout activity ay nagtungo na si Sen. Marcos sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Diliman, Quezon City para sa signing ng Implementing Rules and Regulations ng New Agrarian Reform Act.