Manila, Philippines — Isandaang (100) benepisyaryo ang bibiyayaan ng educational financial assistance ng Lalamove Philippines na nagkakahalagang PHP 20,000 upang matulungang matustusan ang pag-aaral ng mga anak o kapatid ng Lalamove partner drivers sa paparating na ikalawang semestre ng taon.
Sa ilalim ng Deliver Care, ang corporate social responsibility (CSR) brand ng Lalamove, layunin ng programa na magbukas ng oportunidad para sa pamilya ng partner drivers at mailapit ang de-kalidad at mas accessible na edukasyon para sa kabataang Pilipino.
Kumakatawan ang programang ito sa hangarin ng on-demand delivery platform na magbigay ng higit pa sa pagkakataong kumita at magkaroon ng kabuhayan, kun’di maging ang pagsuporta sa pamilya ng partner drivers sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap, partikular sa edukasyon.
“At the heart of BiyahEdukasyon is our desire to uplift the lives of our partner drivers and their loved ones. Nakikita namin ang dedikasyon ninyo sa araw-araw na makatulong sa mga deliveries ng libu-libong tao, kaya ngayon, hayaan niyo naman pong ihatid namin ang pasasalamat sa aming programa. In every student, we see boundless potential, dreams that can transform lives. We want Lalamove to play a part in turning those dreams into reality,” saad ni Lalamove Philippines’ Managing Director Djon Nacario.
Paano mag-apply?
Ang BiyahEdukasyon ay bukas para sa lahat ng anak o kapatid ng Lalamove partner drivers mula sa Luzon, Greater Manila, at Cebu na kasalukuyang naka-enroll sa Senior High School o kolehiyo, at kumukuha ng kahit na anong kurso.
Isang beneficiary lamang kada Lalamove partner driver ang maaaring mag-apply. Hindi kinakailangang magpakita ng grado, sagutan lamang ang Application Form, mag-submit ng mga kinakailangang dokumento kasama na ang isang sanaysay tungkol sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral.
Binigyang diin ni Nacario na naniniwala ang Lalamove Philippines na karapatan ng bawat kabataang Pilipino na makamit ang kanilang mga pangarap nang hindi nahahadlangan ng mga pinansyal na restriskyon.
“Ang BiyahEdukasyon ay umpisa pa lamang ng mas marami pang hakbang ng Lalamove Philippines upang maisakatuparan ang aming tunay na layuning matulungan ang aming partner drivers at ang kanilang pamilya,” dagdag ni Nacario.
Para sa karagdagang detalye bisitahin lang ang www.lalamove.com/en-ph/biyahedukasyon.