Sa kaniyang Facebook Page post, sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando na hayaan ang taumbayan ang mag desisyon kaugnay ng nalalapit na plebesito patungkol sa paghiwalay ng City of San Jose Del Monte sa lalawigan ng Bulacan hinggil pagiging Highly Urbanized City (HUC) ng nasabing lungsod.
“Let the people decide! Sapagkat ito ang diwa ng demokrasya.. Know the issues then, vote wisely,” ayon kay Fernando.
Patungkol naman sa mga katanungan kung ano ang opinyon ng gobernador sa mungkahing paghiwalay ng City of San Jose Del Monte (CSJDM) sa lalawigan ng Bulacan, tahasang sinabi nito na “Walang ama na magiging masaya kapag nawalay ang anak.”
“Ito ay masakit para sa akin. Ang aking dalangin sa tuwina ay isang sambayanang Bulakenyong buo at nagkakaisa,” wika ni Fernando.
Nabatid na nakatakdang isagawa ang plebesito para sa “Yes or No”to HUC vote kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre 30, 2023.
Hiwalay naman ang saloobin ng mga Bulakenyo ngunit marami ang tumututol na maging HUC ang CSJDM kabilang na ang malaking porsiyento ng Liga ng mga Barangay ang suportado ang “NO to HUC).
Nabatid na 17 Association of Barangay Captains (ABC) or 70.83% buhat sa 24 na bayan at lunsod sa Bulacan na mayroong 572 barangays ang tutol na maging fully independent city ang Lungsod ng SJDM.
Sa pahayag naman ni CSJDM city councilor Romeo Agapito, tanging konsehal ng lungsod na tumututol sa HUC, hindi pa aniya handa ang kanilang lungsod na maging fully independent city sa maraming kadahilanan kabilang na aniya ang kakulangan sa trabaho ng nasa 60% Sa Josenos, walang sapat na industrial, pabrika, komersyo.
Kailangan pa umano ng masusing pag-aaral at pag-isipan mabuti kung kakayanin ba ng lungsod ang pagiging HUC kung saan isa sa tinututulan ay ang pag-aalis sa pagkatao ang pagiging isang Bulakenyo.