Ika-125 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ginunita

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang pambansang pag-alaala sa Unang Republika ng Pilipinas sa ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Enero 23, 2024.

Ang Pangulo ay sinamahan nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng Kamara, Governor Daniel Fernando at iba pang mga mambabatas; opisyal ng ehekutibo, at mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Bulacan sa taimtim na pag-alaala.

Sinimulan ang programa sa flag raising at wreath laying activity at pagkaraan ay itinuloy sa loob ng simbahan ang nasabing event.

Ang Unang Republikang Pilipino, na itinatag matapos ang ratipikasyon ng Saligang Batas ng 1899, ay kinikilala bilang pinakauna sa mga “constitutional republics” sa Asya at nagsilbing inspirasyon para sa ibang mga sumunod na bansa. 

Pinalitan nito ang Pamahalang Rebolusyonaryo na nabuo sa pamamagitan ng mga decreto ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong 18 at 23 ng Hunyo 1898 matapos ang proclamason ng ating Kalayaan mula sa Espanya, 12 Hunyo 1898. 

Nanatili ito mula Enero 1899 hanggang 22 Marso 1901 nang madakip ng mga hukbong Amerikano si Pangulong Aguinaldo sa kabundukan ng Palanan, Isabela.

Ang pag-alaalang ito ay bahagi ng Ika-125 na Anibersaryo ng Kalayaan at Pagkabansang Pilipino 2023-2026 na binabalikan at sinasariwa ang mga pangyayari tungo sa paglaya ng ating bansa at ang proseso ng pagbubuo sa ating nasyon mula 1898 hanggang 1901. Nauna nang inanyayahan ni Pangulong Marcos ang pakiküsa ng buong bansa sa programang ito sa pamamagitan ng Utos Administratibo blg. 8, s, 2023 kung saang ang NHCP ang nagsisilbing pinuno ng pambansang lupong tagapamahala. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews