World War 2 heroes mula sa Guiguinto, inalala

Sa ika-80 taong death anniversary ay muling ginunita ng Pamahalaang Lokal ng Guiguinto, Bulacan ang kabayanihan ng  limang Guiguinteño na pinatay ng mga sundalong Hapon noong World War 2 sa isang simpleng seremonya na ginanap sa harap ng munisipyo nitong Martes, Pebrero 20, 2024.

Ang isinagawang aktibidad na may temang  “Kabayanihan ng Limang Anak ng Guiguinto”,  ay pinangunahan ni Mayor Agatha Paula Cruz kasama si Vice Mayor Banjo Estrella kung saan ay nag-alay ng bulaklak sa monumento ng tinaguriang fallen guerrilla heroes.

Ang mga pinatay ng Japanese forces sa isang engkuwentro sa Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan noong Pebrero 20, 1944 ay sina Pvt. Rosendo Principe, Cpl. Emiliano Gutierez, Cpl. Pacio Pingol, Sgt. Mariano Ventura and Pvt. Mariano Centeno, pawang mga kasapi ng  Anderson’s Command 2nd Battalion, Combat Forces “A” Company ng Bulacan Military Area (BMA) na nakabase sa Bustos, Bulacan.

Ayon kay Mayor Cruz said, noong umaga ng Pebrero 20, 1944 ay nilusob ng mga sundalong Hapon mula sa Angat Garrison ang bayan ng Guiguinto kung saan ang mga sugatang fallen heroes ay nadakip at pinahirapan dahil ayaw sabihin kung saan nagtatago ang iba pang kasamahang guerrilla.

Dahil sa patuloy na pagtanggi sa kinaroroonan ng mga Pilipinong gurrilla ay ibinitin ang mga ito sa puno ng mangga at pinagsasaksak ng bayoneta hanggang sa mamatay.

Ayon kay Cruz, panahon ni Mayor Ambrosio Cruz Jr. na ngayon ay Kongresista ng Ika-Limang Distrito nang ipatayo nito ang monumento ng limang bayani sa harap ng munisipyo upang magsilbing  alaala sa kanilang kabayanihan at pagmamahal sa inang bayan.

Nabatid na sa harap ng munisipyo rin inilipat at inilibing ang mga labi ng mga ito sa utos ni noo’y punong bayan na si Mayor It was learned that in this place also where their remains were transferred and buried by then Mayor in 

“It is important for me to remember these Guiguinteño heroes, at gagawin natin ito mas magarbo next year for us to remember their heroism, their patriotism to our town, to our fellow Guiguinteños,” wika ng alkalde.

“Ang Guiguinto ay duyan ng magigiting, duyan ng magagaling, nasa dugo natin ang isang bayani. Let’s continue do heroism,” dagdag pa ni Cruz.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews