3rd floor at ICU sa Joni Villanueva General Hospital, pinasinayaan 

Karagdagang hospital beds sa ward section at ang Intensive Care Unit (ICU) ang maaari nang magamit ng mga pasyente sa Joni Villanueva General Hospital matapos isagawa ang turnover ceremony ng ikatlong palapag ng naturang ospital na ginanap noong Mayo 28, 2024 sa Bocaue, Bulacan.

Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva ang seremonya kasama sina DOH Reg. 3 director Corazon Flores at at Dr. Renely Tungol, Medical Center Chief ng JVGH kasabay ng pagdiriwang ng ika-4 taong kamatayan ni Mayor Joni Villanueva noong Mayo 28, 2020.

“This turnover of the 3rd floor of JVGH main building is a symbol of empowering our people- doctors, nurses and health workers,” wika ni Sen. Villanueva.

Ayon kay Dr. Tungol, may kapasidad na ang JVGH na 81 beds na ngayon ay Level 1 category ng DOH kung saan target nila na maging Level 2 sa taon ding ito kasabay ng pagkakaroon ng eye surgery at Level 3 sa taong 2026.

Kasabay din ng turnover ay isinagawa rin ang memorandum of agreement signing kasama ang walong munisipalidad  sa lalawigan ng Bulacan kung saan ang mga residente sa kanilang mga lugar ay maaari na rin magpagamot sa JVGH.

Kabilang dito ang mga bayan ng Plaridel, Obando, Norzagaray, Guiguinto, Pandi, Balagtas, Bulakan at iba pang bayan sa lalawigan na magiging prayoridad na rin sa nasabing ospital. 

Samantala, tinanggap ni Sen. Villanueva at Dr. Tungol ang PhilHealth Konsulta program at Ambulatory Surgical Clinic certificates mula kay PhilHealth Bulacan Manager Allan Granali bilang mga dagdag na medical programs and benefits na ipagkakaloob ng Joni Villanueva General Hospital (JVGH).

Dumalo rin sa okasyon sina 5th District Representative Cong. Ambrosio Cruz Jr., Mayor Elena Germar ng Norzagaray, Plaridel Mayor Jocell Vistan, Mayor Ding Valeda ng Obando at iba pang opisyal. 

Isang taon at limang buwan na ngayon nang maginng general hospital ang pasilidad, ito ay nag-ooffer ng diabetes package na gamutan kadama rin ang hypertensive care, gynecologic screening package at libreng opera. 

Ito rin ay isang Malasakit Center at ngayon ay isa na ring PhilHealth Konsulta at Ambulatory Surgical Center. 

Ang ospital ang nag-iisang DOH-run o pag-aari ng national government sa lalawigan ng Bulacan kung saan ang kinatatayuan nitong lote ay ipinagkaloob ng pamilya villanueva sa inisyatibo ni noo’y Mayor Joni Villanueva.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews