Chinese national sangkot sa ‘kidnapping’ arestado

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga- Arestado ng mga operatiba sa lalawigan ng Zambales ang isang Chinese National na umano’y sangkot sa insidente ng kidnapping noong Lunes ng gabi (Hunyo 10).

Sinabi ni Police Regional Office (PRO3) Director PBGen Jose Hidalgo Jr. na si alyas “Wu”, isang 35-anyos na Chinese national ay inaresto ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station matapos itong i-flag down sakay ng kanyang minamanehong puting BMW sedan para sa verification. 

Sa halip na huminto, mabilis na humarurot palayo patungo sa Castillejos ang suspek na nagdulot ng matinding habulan. 

Matagumpay na naharang ang sasakyan ng suspek sa Barangay San Jose, Castillejos.

Sa pag-verify, nakumpirma na ang sasakyan ay sangkot sa insidente ng kidnapping kung saan ang biktima ay kinilalang isang “Yi”, 33-anyos na Chinese national na naninirahan sa Malate, Manila na nakatala sa Sub Station 2 Official Blotter book sa Makati City bandang 6:10 PM noong Hunyo 10, 2024.

 Si “Wu” na naninirahan sa MA-A, Davao City, Davao del Sur, ay dinala ng Subic police kasama ang biktimang si “Yi” para sa karagdagang imbestigasyon. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews