Nasa kabuuang 2,000 mag-aaral mula sa bayan ng Guiguinto, Bulacan ang tumanggap ng educational assistance mula Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng programa ng Departmet of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.
Pinangunahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang AICS payout kasama si 5th District Representative Cong. Ambrosio Cruz Jr. At ng Lokal na Pamahalaan ng Guiguinto sa pangunguna ni Mayor Agatha Paula Cruz at Vice Mayor Banjo Estrella.
Ang pamamahagi ng nasabing educational assistance ay ginanap sa Guiguinto Oval stadium kung saan lubos na pinasalmatan ni Mayor Cruz ang senador sa patuloy nitong pagsuporta sa mga residente rito partikular na sa mga mag-aaral.
Nabatid na P3,000 ang natanggap ng bawat isang estudyante.
Kasabay nito ay nanawagan din si Revilla sa sambayanang Pilipino na magkaisa at gayundin sa mga namumuno sa gobyerno na isangtabi ang pulitika.
Aniya, huwag nang sawsawan ang isyu sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ng bansa.
Ayon ya Revilla, kailangan unahin ang kapakanan ng taumbayan at hindi ang mga personal na interes.