𝟲-𝗱𝗮𝘆 𝗔𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴

Matagumpay na naisagawa ang 6-Day Austere Environment Rescue Training na nilahukan ng MDRRMO, PSO, Mariveles Rescue Medics, at Brgy. Alasasin Rescuers. Ang pagsasanay ay nagsimula sa isang 3-day online session noong Nobyembre 20-22 at sinundan ng face-to-face training noong Nobyembre 24-26 na ginanap sa Romalaines Seafoods Restaurant and Leisure Park. Sa pangunguna ni Dr. Ted Esguerra, layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga kalahok sa pagharap sa mahihirap na sitwasyon, partikular sa mga kabundukan, gamit ang mga limitadong resources.

Ang pagsasanay ay nagbigay-diin sa mga kinakailangang kasanayan at kaalaman para sa matagumpay na pagsasagawa ng rescue operations sa ilalim ng mga austere o matinding kondisyon.

Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa AboitizPower subsidiary GNPower Dinginin, Dr. Ted Esguerra, at Wilderness Search and Rescue Philippines sa kanilang walang sawang suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang inisyatibong ito.

Isang hakbang na naman ito patungo sa mas ligtas at mas handang Mariveles para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews