Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva ang pamamahagi ng gamot sa 1,280 pasyente mula sa siyam na bayan ng Bulacan noong Huwebes, December 12, 2024 sa Joni Villanueva Sports Complex sa Bocaue.
Kabilang sa mga benepisaryo ay mga pasyenteng may hypertension, diabetes, at chronic kidney disease mula sa Angat, Balagtas, Bocaue, Bulakan, Hagonoy, Obando, Pandi, Plaridel, at Santa Maria.
Ang inisyatibo, na pinondohan ng P9 milyon mula sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health (DOH), ay nagbibigay rin ng laboratory procedures at isang buwang supply ng gamot para sa mga pasyente.
Kasama ni Senator Villanueva sa pamamahagi ng gamot sina Obando Mayor Ding Valeda, Bocaue Vice Mayor Sherwin Tugna, Department of Budget and Management Central Luzon Director Rosalie Abesamis, at Bulacan Department of Health Head Dr. Emily Paulino.