Pinarangalan kumakailan ang ating kapwa Kapampangan na si 2Lt Carlo Emmanuel M. Canlas ng Lubao, Pampanga na nagtapos sa Philippine Military Academy.
Si Canlas, na kabilang sa Salaknib (Sangalang ay Lakas at Buhay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) Class of 2017, ay isa lamang sa mga kakaunting Kapampangan na nagtapos sa PMA. Siya ay kabilang sa mga ‘Top 10’ graduates ng PMA 2017. Hindi biro ang hirap na dinanas ng pamilya Canlas upang suportahan ang kanilang anak sa kanyang mga balaking propesyonal.
Si Canlas ngayon ay pumasok na sa Philippine Air Force (PAF) na ngayon ay nasa kalagitnaan ng modernisasyon. Ilang FA 50 fighters na rin na galing sa South Korea ang nai-deliver sa base ng PAF sa Clark Freeport Zone. Inaasahan na ang mga FA-50s na ito ay makakatulong sa pambansang seguridad.
Kamakailan din, pinarangalan ng Provincial Government of Pampanga sa pangunguna ni Gobernador Lilia Pineda at mga Board Members si Canlas sa Kapitolyo. Kabilang sa mga bumati kay Canlas at sina Board Members Atty. Ananias Canlas Jr, Cherry Manalo, Salvador Dimson Jr, Benny Jocson at Pol Balingit.
Isang resolusyon ang ipinasa ng Provincial Board upang kilalanin ang mga nakamit na parangal ni Canlas sa PMA. Ayon pa sa resolulsyon, si Canlas ay magsisilbing “role model” para sa mga henerasyon ng mga Kapampangan.
Si Canlas ay residente ng Barangay Sto. Niño, Lubao. Hinikayat niya ang mga kabataan na paghusayan ang kanilang pagaaral.