PATAY ang dalawa katao habang dalawampu pa ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang modernized jeepney at sumalpok sa kasalubong na tricycle bago mahulog sa gilid ng tulay sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan Martes ng hapon.
Base sa panimulang imbestigasyon, naganap ang aksidente dakong alas-1:40 ng hapon nang mawalan umano ng preno ang isang CARMEXSS E-Jeep na may Plate No. NIF2746 at minamaneho ng suspek na kinilalala lang sa alias na “Orlando”, 53 years old, married, residente ng Moras Dela Paz, Santo Tomas, Pampanga.
Ang mga nasawing biktima na sina Johny, 44 years old, married, tricycle driver at nakatira sa Brgy. Caniogan, Calumpit, Bulacan at Angelica, 27, resident ng North Ville-9, Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan.
Sugatan naman sina Armando, 74, married, residente ng North Ville-9, Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan; Rex, 27, ng Apalit, Pampanga; Myra, 51, ng Sergio Bayan, Calumpit, Bulacan; Anjela, 19, estudyante, ng Villa Angelina, Sampaloc, Apalit, Pampanga; Hans, 19, ng Sucad, Apalit, Pampanga; Leo, 51, ng La Residencia Subd., Calumpit, Bulacan; Angelo, 41, teacher, ng San Juan, Apalit, Pampanga; Trisha Mae, 21, student, ng Purok-1, Brgy. Frances, Calumpit, Bulacan; Archie, 21, student, ng Brgy. Sta. Lucia, San Fernando, Pampanga; Lance, 20, student, ng Purok-3, Capalangan, Apalit, Pampanga; Lauro, 20, ng Sapang Bayan, Calumpit, Bulacan; Ayen, 21, student, ng Manga, Capaz, Tarlac; Kate, 20, student, ng Macabebe, Pampanga; Rolando, 53, ng Santo Tomas, Pampanga; Jenny Rose, 29, ng Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan; Kyla, 21, ng Candaba, Pampanga; John Paul, 22, ng Brgy. Gugo, Calumpit, Bulacan; Jenny, 20, student, ng Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan; Karen, ng Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan at Sophia, 18, Brgy. Balungao, Calumpit, Bulacan.
Nabatid na nawalan umano ng preno at kontrol ang nasabing electronic jeepney at sinalpok ang kasalubong na Rusi Motorcycle with sidecar (Plate No. CO69933) hanggang tuluyan mahulog sa gilid ng tulay.
Agad na isinugod sa Bulacan Medical Center ang mga driver at pasahero kung saan nasawi ang dalawa.
Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple injuries and damage to property ang suspek.